Opinyon ukol sa Bagyo (Typhoon)

Category: Others topics 1,304 0

Simula kay Auring, Bising, hanggang dumating ang bestpren nilang si Maring, Nando, Odette, Pablo, Quedan, Santi, humabol pa si Tino. Naglaro ang magbabarkada ng langit at lupa. Dinamay pa si Habagat, ayun, baha ang bunga.

Yolandaph17Ang Pilipinas ay dumaranas ng dalawang panahon lamang, ang tag-araw at ang tag-ulan. Ang tag-araw ay ating nararanasan sa buwan ng Marso hanggang Mayo, samantalang ang tag-ulan naman ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang Oktubre.
Ngunit ngayon taon, tayo ay nakaranas ng maagang tag-ulan na nagsimula noong Mayo hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa GbSb TechBlog, ang ating bansa ay binibisita ng dalawampung bagyo kada taon at siyam dito ang dumadaan sa lupa o landfall.
Ang mga bagyo ay kadalasang nananalasa sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre na atin ngang nararanasan sa ngayon lalo na sa Luzon at Visayas.
Karagdagan pa rito, ang habagat o southwest monsoon ay atin ding naranasan dahil sa mga bagyo na siyang nagpapalakas sa habagat; na isa pang nakaapekto sa iba’t ibang parte ng ating bansa.
Sa tuwing sasapit ang hunyo, ang simula ng eskwela ng mga mag-aaral ay sinasalubong ng senaryong tag-ulan, pagkakaroon ng mga baha, basa ang mga damit at sapatos, at suspensiyon ng mga klase. Isang halimbawa naranasan ng mga mag-aaral ng Benguet State University (BSU).
Sa taong ito, tayo ay nakaranas na ng ika-labing anim na bagyo na naging dahilan ng napakaraming suspensiyon ng mga klase. Ganito ang parating senaryo maging sa ibang mga paaralan tuwing tag-ulan. Ngunit may isa pang problema ang naranasan ng unibersidad na ito noong nakaraang buwan lamang.
Kapag may nababalitaan tayong mayroong bagyo, ang ating takbuhan at sandalan ay radio, telebisyon, text message o update mula sa kaklase at kung anu-ano pang maaaring pagkuhanan ng impormasyon. Ngunit, sino nga ba talaga ang reliable na source?
Sa tanong na ito ay napakaraming mga bagay ang naglalaro sa aking isipan. Paano nga ba natin malalaman na ang isang impormasyon ay makatotohanan o hindi? Ano ang dapat nating maging basehan? At sa tanong din na ito, ang siyang dapat nating pagtuunan ng pansin ay yung pinagmulan ng impormasyon o mensahe. Ang kanya bang sinasabi ay makikita sa realidad o pawang kathang-isip lamang?
Maraming tao ang umaasa ng balita patungkol sa mga suspensiyon ng mga klase. Ngunit nito lamang, nagkaroon ng aberya dahil sa isang text na kumalat at mga anunsiyo sa radyo na lahat daw ng antas ng paaralan ay walang pasok sa araw ng Agosto 22. Subalit marami rin ang text at anunsiyo sa iba pang mga radio sa sumalungat dito. Kaya’t nagkaroon ng pagtatalo at kalituhan sa mga mag-aaral ng BSU.
Maging sa iba pang mga unibersidad at mga paaralan ay nakaranas din ng mga ganitong pangyayari. Mga impormasyong hindi malinaw na naihahatid na humahantong sa mga komplikasyon at problema.

email

Have something to add to this article? Add your comments below!